Friday, September 24, 2010

Eez deez rili eez eet?

Awww. Ma'am, super thank you talaga sa lahat. Nung una talaga gusto ko na mag drop sa Philippine Games kasi napaka-competitive talaga ng classmates ko, tapos ang hinhin ko masyado maglaro. Pero eventually, medyo nakaka-keep up na rin ako. Sobrang swerte ko na nakuha ko kaagad 'tong PE na 'to sa CRS. Sobrang bait mo talaga ma'am, tapos ikaw yung tipo ng teacher na ginagawang super nakakagana maglaro.

Walang halong bola yan ah!

Maraming salamat po talaga ma'am, tsaka good luck po sa pagtuturo, and generally sa life mo. Mamimiss ko kayong lahat, kasi masaya rin talagang kalaro yung mga classmates ko.

YIPEE! :D

(Ayoko ng babay eh. :P )

May Bihag! (Most Nakakaloko Award)

Itong game na 'to, madyo parang Baboy Bahay Bagyo yung mechanics, pero "inspired" siya nung hostage crisis kaya may mga pagbabago rin doon sa actual na game.

Masaya siya, sobrang saya. Pero medyo physical nga lang siya. Maghahalo-halo talaga pawis niyo. Haha


Ang MVP ko dito ay si Jeremy. Nakakaloko lang talaga eh. Gusto niya kasi parati yung "Rampage!" eh. Haha!



Luntila (Most Agaw-All-You-Can Award)


Sobrang  na-enjoy ko 'tong game na 'to kahit wala masyadong takbuhan. Ang saya lang talaga kasi mang-agaw ng bola. Masarap maging competitive dito. :))

Gagawa kayo ng isang circle, tapos may dalawang magkalabang grupo. Dapat yung katabi mo sa bawat gilid mo ay taga ibang grupo, so dapat alternating. Dapat mapasa mo yung bola sa groupmates mo, at dapat kayo yung grupong makauna na yung lahat ng members ay nakahawak na ng bola. Ang gulo ng sentence ko. Basta yun na yun. Haha.

Ang MVP ko dito ay si Juvy. Grabeng competitive. Ang saya-saya. Hahaha. :D

Gabi sa Museo (Most Pahirapan-Sa-Pose Award)


Obviously, inspired siya ng Night at the Museum. Interesting naman siya, kaso lang nahirapan ako kasi fast-paced yung game, tapos madaling mataya, tas mabagal ako kumilos, tas nahirapan akong manghabol.  Haaaay.

Haha.

Anyway, okey naman talaga siya. Challenging, ika nga. May isang gumagalaw na "istatwa" at may isang guard na dapat tayain yung istatwa. Yung iba ay mga naka-pose, at dapat mahirap magaya yung pose nila para hindi  sila yung maging "moving istatwa".

Ang MVP ko dito ay si Bea. Hanep, pamatay ang poses niya, ang hirap hirap gayahin. Napaka-flexible kasi eh. Hahaha. :D

Meriendang may Tsaa (Most Group-Competition-Kung-Competition Award)





Medyo favorite ko 'to kasi pareho kong gusto yung Pusa at Daga at Agawan Base. May dalawang magkalabang grupo. Magkahawak sila ng kamay at gagawa ng circle. May isang tao sa gitna ng bawat circle, at siya yung "base". Dapat mataya yung base ng kabilang grupo. Ayun.

Sobrang saya niya kasi cooperation ng group yung mahalaga dito, tapos masyado ring competitive yung classmates ko. Ako yung tsaa/base parati kaya merong excitement/panic factor din talaga para sakin.

Ang MVP ko dito ay yung group ko, kasi kami yung parating nananalo dito. BWAHAHA! :D

Siklot (Pagalingan-Sumalo-At-Pumulot Award)


Medyo parang "batong jackstones" itong game na 'to, sabi ko sa isip ko. May mga bato (approx. 10) na hahawakan mo tapos ihahagis pataas habang babaligtarin mo yung kamay mo. Dapat may masalo kang bato at least isa sa likod ng kamay mo. (Nung una akala ko masakit yun kasi akala ko mataas yung paghagis ng mga bato.) At gamit ang iyong mga daliri, kailangang kunin isa-isa yung mga bato, at ilagay sa "bahay" mo o kung ano man yun. Dapat hindi mahulog yung bato/mga bato sa likod ng kamay mo.




'Pag nakuha mo na lahat, kailangan mong ihagis pataas yung mga batong nasa likod ng kamay mo. Dapat masalo mo lahat. Kung hindi, mawawala lahat ng pinaghirapan mo. Kung oo naman, sa'yo na yung mga nasalo mong bato. Yehey! Tapos ikaw ulit yung titira hanggang sa ma-out ka. :)

Masaya siya, pero malas ako kasi maliit lang yung kamay ko. May konting bato akong nakuha, pero yun lang yun. :p

Ang MVP ko dito ay si Dan, kasi ang galing niya talaga sumalo, lalo na sa huli. Biro mo, nasalo niya tatlo! Tapos ang galing niyang "pulutin" yung mga bato. Good job! :D

Thursday, September 23, 2010

Part 2!

Eto po yung part 2 ng aking Philippine Games Journal. More fun games, more "wild" experiences! :D

Dito magtatagalog na ako kasi nakakatamad mag-English. Or baka Taglish na lang. Bahala na. :))